December 24, 2024

CEDRIC LEE IBINIYAHE NA SA BILIBID

INIHATID na nitong Biyernes ng gabi sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang negosyanteng si Cedric Lee matapos sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI).

Kaugnay ito sa hatol sa kaniya ng Taguig court, kasama si Deniece Cornejo at dalawang iba pa na guilty sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng actor-tv host na si Vhong Navarro.

Nauna nang dinala sa NBP ang kapwa akusado ni Lee na si Raz, habang sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City naman dinala ang modelong si Cornejo.

Ayon kay Catapang, bilang bahagi ng standard operating procedure, mananatili si Lee sa Reception and Diagnostic Center (RDC) Quarantine Cell sa loob ng limang araw na walang visiting privileges, at susundan ng diagnostic procedure na kinabibilangan ng medical, sociological, psychological, educational at classification process sa loob ng 55 araw.

Inatasan ni Catapang NBP Supt., C/CINSP Roger Boncales kung saan dapat i-commit si  Raz dahil hindi na tumatanggap ng bagong PDL sa NBP kaugnay sa patuloy na ginagawang decongestion program.