Pinalakas ng budget carrier Cebu Pacific (CEB) ang Cebu hub nito sa pamamagitan ng pagdadagdag ng tatlong ruta mula Mactan-Cebu International Airport.
“We are excited to operate new routes from our second largest base, Cebu, as we mark our 27th anniversary in March. This is in line with our commitment to bring every Juan closer to each other as we make air travel more affordable and accessible to our customers,” ayon kay Xander Lao, Cebu Pacific President and Chief Commercial Officer.
Simula Marso 26, sisimulan ng CEB ang paglipad mula Cebu hanggang Naga ng apat na beses kada linggo — Lunes, Miyerkules, Biyernes at Linggo.
Aalis ang DG 6316 mula MCIA ng alas-12:00 ng tanghali at darating sa Naga ng alas-1:45 ng hapon, habang ang return flight, DG 6137, ay lilisanin ang Naga Airport dakong alas-2:05 ng hapon at darating sa Cebu dakong alas-3:50 ng hapon.
Itutuloy din ng airline ang daily flights mula Cebu hanggang Hong Kong simula Marso 26. Nakatakdang umalis ang CEB 5J 240 mula MCIA ng alas-6:05 ng umaga at darating sa Hong Kong ng alas-8:55 ng umaga. Ang return flight naman nito, 5J 241, ay nakatakdang lumipad mula Hong Kong International Airport ng alas-9:40 ng umaga at darating sa Cebu ng alas-12:35 ng hapon.
Mula Mayo 1, 2023, muling sisimulan ng CEB ang mga flight nito mula sa Cebu patungo sa Narita sa Japan pitong beses sa isang linggo.
“To encourage people to travel, CEB is running a special seat sale allowing passengers to book their flights from Cebu to Naga, Hong Kong, and Narita, and vice versa until March 1, 2023 for as low as PHP1 one-way base fare, exclusive of surcharges and fees. Travel period is from March 26 to October 28 for Cebu-Naga and Cebu-Hong Kong flights, and from May 1 to October 28 for Cebu-Narita flights,” ayon sa airline.
Nakatakda ma-restore sa 100% ng CEB ang kanilang pre-COVID network at capacity sa Marso 2023.
Lumilipad na ito ngayon sa 34 domestic destination at nakatakdang ibalik ang lahat ng 25 international destination nito sa unang quarter ng taon.#
More Stories
DA NAGSAMPA NG KASO VS IMPORTER NG P20.8-M SMUGGLED NA SIBUYAS, CARROTS
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
OCCIDENTAL MINDORO INUGA NG 5.5 MAGNITUDE NA LINDOL