Muling inilunsad ng Cebu Pacific ang panibago at inaabangan na “Piso Sale,” sa pagkakataong ito para sa mga rutang malapit nang muling ilunsad mula sa Clark International Airport.
Ito ang napag-alaman mula kay CEB spokesperson Carmina Romero, na nagsabi na mula Hulyo 15 hanggang Hulyo 22, 2024, ang mga pasahero ay maaaring mag-book ng mga flight mula Clark upang pumili ng mga domestic na destinasyon sa halagang P1 one-way base fare, walang bayad at surcharge, idinagdag pa nito. na ang travel period ay mula Oktubre 1, 2024 hanggang Marso 31, 2025.
Ayon kay Romero, kabilang sa promo ay ang CEB flights sa pagitan ng Clark at Puerto Princesa simula Oktubre 2, 2024, gayunding ang flights sa pagitan ng Clark at General Santos at Iloilo na magsisimula sa Oktubre 21. Maari ring pumili ng flights ang mga travelers sa pagitan ng Clark at Davao, na muling magsisimula sa Oktubre 22, 2024.
“With the relaunch of CEB’s Clark operations, travelers will now have more opportunities to visit the Underground River in Puerto Princesa, go sunbathing on the white sand beach of Gigantes Island in Iloilo, ride the Seven Falls zipline at Lake Sebu from General Santos, and enjoy extreme outdoor activities in Davao,” ani Romero.
Dagdag pa niya, maaring gamiting ng mga pasahero ang kanilang existing Travel Funds upang mag-book ng flights at mag-avail ng add-ons. Nag-alok din ang Cebu Pacific ng multiple payment options, kabilang ang payment centers, credit o debit cards, at e-wallets. ARSENIO TAN
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA