September 28, 2024

Cebu Pacific ibinalik 3-Day P1SO Sale

Inanunsiyo ng Cebu Pacific (CEB) na nagbabalik na ang P1SO sale ngayong Abril, kung saan pinapayagan ang lahat na iplano na ang kanilang dream vacations.


Ayon kay CEB spokesperson Carmina Romero, mula Abril 17 hanggang Abril, 19 ay maaring makapag-book ang mga nais bumiyahe ng domestic o international flight sa halagang P1. Ang travel period ay mula Agosto 1, 2023 hanggang Marso 31, 2024.

Batay sa Cebu Pacific website, kasama sa quoted domestic one-way base fare ang seven-kilogram hand-carry baggage allowance.

Hindi naman kasama ang web admin fee, 12 percent value-added tax (VAT), terminal fees, at maging ang fuel surcharge.

Kasama rin sa quoted international one-way ang seven-kilogram hand-carry baggage allowance, pero hindi kasama ang web admin fees para sa short-haul and long-haul flights, maging ang PHP550 international terminal fee at ang fuel surcharge. Para makapag-book ng flight, bisitahin ang seat sale section ng Cebu Pacific. ARSENIO TAN