CLARK FREEPORT- Patuloy pang pinapalakas ng Clark Development Corporation (CDC) – Task Force Aguila ang kanilang pagsisikap laban sa illicit trade matapos masamsam ang mahigit sa P170 milyon halaga ng kalakal sa kanilang isinagawang mga Intelligence Operation mula Oktubre 2018 hanggang Enero 2021.
Ito ang nakalap na report na isinumite ni TFA Director MGen. Francisco M. Cruz (Ret.) kay CDC President at CEO Manuel R. Gaerlan. Sa ulat ding ito, nabanggit na binubuo ng 60 insidente ang nahuli, napigilan at nasamsam ng aktibong operasyon ng TFA mula Oktubre 2018 hanggang Enero 2021 kung saan nagresulta para makabuo ng kita ang Philippine government.
Umabot sa P4,248,646 ang napunta sa CDC mula sa kabuang kita na galing sa multa ng mga locator habang ang total revenue na P106,921,270 na nagmula sa forfeited goods ay naisumite sa National Treasury.
Bukod sa kanilang mga aktibong operasyon sa criminal intelligence, pinalakas din ng CDC-TFA ang kanilang programa laban sa illegal online gambling, illegal foreign national, at detection ng illegal business operations.
Ang iba’t ibang mga inisyatibo sa screening sa potential locators, screening sa winning bidders at contractor gayundin ang proteksyon sa Clark consumers at pagpapabuti sa network sa intelligence community ay na-accomplish ng CDC-TFA.
Samantala, sa kanyang pananaw upang higit na mapabuti ang kanilang operasyon, inilatag ni Cruz ang kakayahan sa pagsasagawa ng mga training at seminar sa mga tauhan ng TFA. Kabilang sa mga seminar na ito ay ang Free Trade Zone Intelligence Operations, Elicitation, Interview at Interrogation Techniques, at Freeport Zone Business Intelligence. Itinutulak ng CDC-TFA ang kasabihang ‘One Team, One Creed and One Goal’ upang matamo ang teamwork at pakikipagkapwa sa mga empleyado.
Una rito, napuri din ng Bureau of Customs (BOC) ang CDC-TFA dahil sa patuloy nilang pagsisikap at suporta sa pagpapaigting ng mga operasyon laban sa smuggling sa bansa.
Sa isang pahayag, nagpasalamat si BoC Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa CDC-TFA sa pagkakasamsam sa P50 milyon hlaga ng smuggled items na binubuo ng assorted smartphones at laptops sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic dito. Ang mga nasabat na nasabing gamit ay ipinag-utos ng BoC-Clark na i-donate sa Department of Education para magamit ng mga mag-aaral.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA