CLARK FREEPORT— Ipinahayag ni Barangay Ginebra San Miguel player Joe Devance ang kanyang pasasalamat sa Clark Development Corporation (CDC).
Ito’y matapos na paalalahanan siya na suutin ang kanyang face mask. Kaya naman, natukoy niya ito sa kanyang vlogs sa kanyang official YouTUbe channel.
“I got my friends at the CDC, they called me up on my cellphone and they were like, Joe, we love your channel. We’ve been watching and supporting your YouTube channel but please remind everybody in the Philippines to wear their mask,” saad ng “Big Man” Ginebra.
Sa halip na magdamdam, ipinagpapasalamat ni Devance ang ginawang pagmamalasakit sa kanya ng CDC. Ito’y bunsod ng concern nito sa recent ‘close encounter’ niya sa mga fans ng Ginebra sa labas ng Angeles University Foundation (AUF) Cultural and Sports Center sa Angeles City.
“CDC, thank you guys for hitting me up, calling me on my cellphone. I really appreciate you guys, what you’re doing – helping the country out,” aniya.
Nangyari ang paalaala ng CDC sa player nang pasakay na ng bus ang buong team pabalik sa Clark. Na kung saan, hinubad ni DeVance ang kanyang face mask upang batiin ang fans sa labas ng AUF Gym pagkatapos ng laro.
Gayunman, sinunod niya naman ang strict social distancing protocols; dahil may ilang metro naman siyang malayo sa mga die-hard fans na kumakaway sa Barangay team.
Pinuri rin nito ang Quest Hotel, mga staff nito at ang facilities. Kung saan ay nag-eenjoy sila sa ilang aktibidad. Kabilang na rito ang swimming, jogging, playing billiards at pagbubuhat sa well-equipped gym sa loob ng Quest.
Sa isang video sa kanyang vlog, makikitang nagtungo si Joe sa rooftop ng Quest. Kung saan ipinakita nito ang luntiang paligid ng Filinvest Mimosa. Pagkatapos ay pinapurihan ang spectacular view na kung saan ay nag-eenjoy siya at ibang players sa kanilang two-month stay sa Clark.
In one of his vlogs, Devance went to the rooftop of Quest where he showed the lush green spaces of Filinvest Mimosa and praised the spectacular view that he and other players enjoy during their two-month stay at Clark.
More Stories
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE
ICF World Dragon Boat meet…PILIPINAS PINAKAMAGILAS SA PUERTO PRINCESA!
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!