November 5, 2024

CDC PAGMUMULTAHIN ANG MAHUHULING MAGTATAPON NG BASURA

CLARK FREEPORT – Upang mapaigting ang kanilang kampanya na mapanatili ang kalinisan sa buong lugar dito, pagmumultahin ng Clark Development Corporation (CDC) ang isang indibidwal na mahuhuling magtatapon ng basura kung saan-saan sa naturang Freeport.

SA inilabas na memorandum circulat ng state-owned firm noon Hulyo 21, 2021, hinimok ang lahat ng Clark Freeport Zone (CFZ) locators, residente, manggagawa, panauhin, non-government organizations at ahensiya ng gobyerno na makipagtulungan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa kapaligiran ng Freeport.

Ayon kay CDC President and CEO Manuel R. Gaerlan, responsable ang lahat ng stakeholders na mapanatiling malinis at maaliwalas ang kapaligiran ng Freeport.

Ang parusa sa mga magtatapon ng basura ay nakadepende sa bigat ng paglabag.

“A fine of P1,000 will be charged to any violator. The same amount will also be imposed upon anyone or any firm with poor housekeeping,” ayon sa CDC.

“Meanwhile, improper handling of waste would result in a P5,000 fine, while improper management of hazardous waste will result in a P50,000 penalty,” dagdag pa nito.

Pagmumultahin din ang magtatapon ng Single Used Plastics (SUPs) ng P5,000  para sa first offence, P10,000 sa second offence, P10,000 sa second offence, P20,000 sa third offense at ipagwawalang bisa ang business permit.

Alinsunod sa Clean Water Act o RA,9275, ang pagtatapon ng wastewater sa kapaligiran ay pagmumultahin din ng aabot sa P10,000 hanggang P200,000 per day.

Kukumpiskahin din ang mga alagang hayop na makikitang pagala-gala sa Freeport.

Upang matiyak na susunod sa mga nabanggit sa itaaas, ilang grupo ng CDC ang idi-dispatch upang mag-inspeksyon sa areas of concerns.

Binubuo ang grupo ng CDC’s Environmental Permits Division (EPD), Property Management Division (PMD), Building and Facilities Permits Division (BFPD), at Building and Facilities Management Division (BFMD).

Papadalhan ng CDC ang isang locator ng notice sa pamamagitan ng email o text kung mapapatunayan na sila ay may paglabag. Bibigyan din ng state-run corporation ng tatlo hanggang limang araw ang locator para bigyan ng panahon na tumugon.