APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ni Director Manuel R. Gaerlan bilang bagong President at Chief Executive Officer ng Clark Development Corporation (CDC).
Inanunsiyo ng Malacañang ang appointment letter na pirmado ni Executive Secretary Salvador C. Mediadea na may petsang Enero 11, 2021. Ang liham ay naipadala na sa mga miyembro ng CDC Board of Director BOD.
Itinuturing naman na welcome development ng CDC BOD, executives at staff ang pagkakatalaga kay Gaerlan.
Nagpapasalamat naman si Engr. Mariza O. Mandocdoc, Officer-In-Charge, Office of the CDC President, na nakapagtalaga na si Pangulong Duterte ng bagong President at CEO mula sa mga miyembro ng CDC BOD.
“Director Gaerlan is very much aware of the opportunities and challenges that Clark faces. With his inspiring leadership, CDC will be able to accomplish much much more for Clark and its stakeholders,” saad ni Mandocdoc.
Gaganapin ni Gaerlan ang kanyang Oath of Office bilang CDC President at CEO sa Huwebes, Enero 14, 2021 sa isang special organizational meeting ng CDC BOD.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA