CLARK FREEPORT— Nilagdaan kamakailan lang ng Clark Development Corporation (CDC) sa pakikipag-partnership sa BB International Leisure and Resort Development Corporation (BBI) at Bridges of Benevolent Initiative Foundation, Inc. (BBIFI) ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa sponsorship na nagkakahalaga ng P1.2 million.
Gagamitin ang nasabing sponsorship para i-promote ang Kapampangan Cultural Heritage (KCH) sa Freeport na ito para mapanatili ang mayamang kasaysayan nito gayundin upang muling itayo ang kultura, buhayin ang wika, at isulong ito sa pandaigdigang komunidad.
Ayon sa MOA, ang CDC sa pamamagitan ng Corporate Social Responsibility and Placement Division (CSRPD) nito ay dapat tiyakin na ang kagamitan at materyales ay may lokasyon sa loob ng CDC at readily available para sa pananaliksik at edukasyon ng KCH.
Dapat ding tanggapin ng korporasyong pag-aari ng estado ang natapos na proyekto at isasagawa ang certificate of acceptance. Sa pagtanggap, ise-certify ng CDC ang halaga ng proyekto o ang aktwal na halagang ginastos na ibinayad ng licensee at ng foundation.
Sa ginanap na ceremonial signing, nagbigay ng mahalagang mensahe si CDC Chairman Atty. Edgardo D. Pamintuan at nagpahayag ng kanyang kagalakan sapagkat ang proyekto ay makatutulong na muling pasiglahin ang Kapampangan Cultural Heritage (KCH).
“My fellow Kapampangans who knew me back when I was the mayor in Angeles City are aware of my deep passion in the preservation of heritage, history, tradition and promotion of our local culture. That is why I am elated to be here because I know that through this MOA, we can continue that advocacy for the Kapampangan culture,” wika niya..
“I thank BB International Leisure and Resort Dev’t Corp., and Bridges of Benevolent Initiative Foundation, Inc., and Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) for helping in this noble project,” pasasalamat ni Pamintuan.
Ayon kay Pamintuan, titiyakin ng CSRPD ng CDC na ang mga kagamitan at mapagkukunang kailangan para sa pagsasaliksik at pagtuturo sa kultura at kasaysayan ng Kapampangan ay pananatilihing on-site at readily available sa mga researcher at mag-aaral.
Binanggit din niya na ang nasabing proyekto ay maaaring pagmulan ng motibasyon at panghihikayat sa bawat Pilipino at dayuhan na matuto pa tungkol sa kultura ng Kapampangan at sa mga gawaing patuloy na sinusunod sa kasalukuyan.
Samantala, nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si CDC President and CEO Manuel R. Gaerlan para sa partnership na ipinagkatiwala sa Aguman Sinupan Singsing, Inc. at mapapakinabangan ng publiko.
“As president of CDC, we fully support this project – our chairman, our board of directors, and the management. Thank you very much for partnering with us and we assure you that we will support this project. Ang makikita nating resulta nito it’s not one or two years from now, it’s beyond. So this is a very worthy project which transcends given our lifetime,” ayon kay Gaerlan.
Bukod sa mga mensaheng ibinigay ng mga executive ng CDC, nagpahayag naman si BBI President Dr. Irineo G. Alvaro, Jr. ng kanyang suporta sa state-owned firm.
“I believe this project would give life to all of these – our roots, of the Kapampangan and the rich culture of the Kapampangan. We are happy to be part of this very important undertaking. Thank you for giving us the opportunity to be part of this project,” aniya.
Naroon din sa nasabing aktibidad sina CDC Vice President for Admin and Finance Engr. Mariza O. Mandocdoc, CDC Assistant Vice President for External Affairs Rommel C. Narciso, BBIFI Chief Finance Officer Atty. Sheryl Santos-Centeno, at Aguman Sinupan Singsing, Inc. Executive Director Alegria Cruz.
Binigyang-diin naman ni Aguman Sinupan Singsing, Inc. Program Director Michael Pangilinan kung paano makakatulong ang nasabing proyekto sa pagsuporta sa kanilang mga programa.
“It’s about time that Kapampangans look back into their culture and promote it, not just to themselves but also to the world. And I believe that CDC is the perfect avenue for that – it being a global gateway to the world and to the Kapampangan culture,” Pangilinan.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE