January 23, 2025

CDC IKATLO SA HIGHEST SHARE SA 2021 FOREIGN INVESTMENT SA PH

CLARK FREEPORT— Hawak ng Clark Development Corporation (CDC) ang third highest rate ng overall growth rate sa approved Foreign Investments (FI) sa bansa para sa taong 2021.

Ito ang ibinunyag sa kamakailang report na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan binanggit na ang FI pledges para sa CDC noong 2021 ay nagkakahalaga ng P3.68 bilyon, isang 43.1 porsiyentong pagtaas kumpara sa datos nito noong 2020 na P2.57 bilyon . Samantala, mayroon ding 16.2 percent growth sa bilang ng Filipino investments para sa CDC.

Inaasahang bubuo ng 6,690 job opportunities ang 2021 approved projects na may foreign interest sa state-owned firm. Ito ay nagkakahalaga ng 40.5 percent increase sa bilang ng mga committed employment kumpara noong 2020 na may employment projection na 4,763.

“Other IPAs who posted positive FI contributions include Bureau of Investments (BOI) who holds the highest growth rate at 218 percent, followed by the Board of Investments in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BOI-BARMM) with 564 percent growth rate, and Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) with 38.8 percent growth rate,” ayon sa datos ng PSA.

Ang kabuuang naaprubahang FIs mula sa lahat ng IPA sa bansa ay nagkakahalaga ng P192.34 Bilyon, isang 71.5 percent growth mula 2020 sa P112.12 bilyon.  

Ang mga nangungunang industriya na may foreign commitments ay ang Information Communication Technology (ICT) na nagkakahalaga ng P144.32 bilyon na bumubuo rin ng 75 porsiyento ng overall committed FIs noong 2021; Manufacturing na may P26.56 bilyon o 13.8 porsiyentong kontribusyon; at Administrative at support services na iniulat sa halagang P7.29 bilyon o 3.8 porsiyentong bahagi mula sa kabuuang foreign commitments sa Pilipinas.