January 23, 2025

CDC, DTI naglaan ng livelihood opportunities sa mga Aeta

SUSTAINABLE LIVELIHOOD. Tinanggap ng isa sa 10 Aeta beneficiaries ng Department of Trade and Industry (DTI) at Clark Development Corporation (CDC) livelihood program ang Soap Making Negosyo Kit sa isinagawang simpleng seremonya sa Clark Skills and Training Center. Pinangunahan ang awarding ng negosyo kits nina (mula kaliwa pakanan) CDC Director Nestor Villaroman, Jr., CDC Chairman Jose De Jesus, CDC President and CEO Noel F. Manankil, DTI Provincial Director Elenita Ordonio, at CDC Assistant Vice President for External Affairs Rommel Narciso. Ang mga benepisyaryo ay bibigyan ng P8,000 halaga ng necessary materials at ingridients na makatutulong para makapagsimula sila ng kanilang soap production business.

CLARK FREEPORT – Iginawad kamakailan lang ng Clark Development Corporation (CDC), katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) ang mga mahahalagang materyales para sa mga piling miyembro ng Aeta mula sa kalapit na mga komunidad sa naturang Freeport.

Dahil sa kanilang misyon na makapaglaan at makapag-promote ng sustainable livelihood opportunities, ipinagkaloob ng DTI ang P8,000 halaga ng necessary materials at sangkap para sa soap making business sa 10 piling Aeta beneficiaries na tinaguriang “soap smiths.”

Samantala, suportado naman ng CDC ang proyekto sa pamamagitan ng paglalaan ng lugar para sa soap production activity, transportasyon sa schedule undertakings, meals at maging identification card para sa mga benepisyaryo.

Isinagawa ang presentasyon ng soap-making livelihood business package sa recipients sa pamamagitan ng simpleng seremonya na ginanap sa Clark Skills and Training Center.

Dinaluhan at pinangunahan ang naturang seremonya nina CDC Chairman Jose “Ping” De Jesus, CDC President, at CEO Noel F. Manankil, CDC Director Nestor Villaroman Jr., CDC Assistant Vice President for External Affairs Rommel Narciso at DTI Provincial Director Elenita R. Ordonio.

“Through the program, the 10 designated soap smiths will produce soaps in different shapes and scents from the natural ingredients that can be grown and found in their localities. They will also be organized into a formal group to ensure the continuity of the project,” ayon sa CDC.

Ang CDC, sa pakikipagtulungan ng DTI, ay natatanaw na ang proyektong ito ay magsusulong ng isang diwa ng pagnenegosyo para sa Small and Medium Enterprises (SMEs).

Magbibigay rin ito ng maraming oportunidad upang matugunan ang supply at demand ng mga pangangailangan ng locators sa naturang Freeport.

Noong Pebrero, 50 Aeta trainees ang nakumpleto ang soap-making training program na sinimulan ng CDC at sinuportahan ng DTI, habang ang mga tauhan ng Natural Verde – isang tagagawa ng natural na handmade soap at shampoo bars – ay pinabilis ang wastong pagsasanay.

Sa nasabing gawain, tinuruan ang trainees ng paggawa ng mga sabon mula sa natural elements gaya ng turmeric, oatmeal, malunggay, guava, at iba pa.