CLARK FREEPORT – Ipinaabot ng Clark Development Corporation (CDC) ang kanilang mainit na pagbati sa mga nagsipagtapos sa iba’t ibang kurso at programa ng University of the Philippines Diliman – Extention Program for Pampanga and Olongapo (UP-DEPPO) sa naturang Freeport.
Sa isang virtual graduation ceremony na isinagawa nitong Sabado na may temang “Pamanyulung, Pamanyulu: Forging Ahead, Lighting the Way,” pinarangalan at kinilala ng UP-DEPPO ang mga estudyante na pinursigeng matapos ang Bachelor Arts in Business Economics, Bachelor of Arts in Business Psychology, Bachelor of Science in Business Management at Master of Management programs.
Hinikayat ni CDC Vice President for Administration and Finance Mariza Mandodoc, ang mga nagsipagtapos na ipagpapatuloy ang kahusayan at isapuso ang mga natutunan sa UP.
“Patuloy tayong mabuhay at manilbihan na may dangal, galing, kahusayan at kababaan ng loob. Para sa Pilipinong nagtaguyod ng ating pag aaral, para sa iisa nating bayan, para sa UP nating mahal, at para sa Panginoong ating sinasamba,” sambit ni Mandocdoc.
Nabanggit din ni Mandocdoc ang sipag at pagsisikap ng mga graduate para matapos ang kanilang kurso sa gitna ng mga hamon dulot ng pandemya.
“Ang araw ay araw ng pagdiriwang. Ang inyong pagtatapos sa taong ito ay may natatanging kinang at kahulugan sapagkat ito ay nakamit sa pagragasa ng pandemya sa ating bansa at sa buong mundo. Hindi naging madali ang mga bagay bagay para sa ating lahat. Binago ng COVID at walang paalam ang tahimik na takbo ng ating mga buhay. Ano man ang ating estado, lahat tayo ay nanganib at nangamba. May mga kaibigan o pamilya tayong biglang nawalay sa atin, karagdagan dito, maaaring ang iba sainyo ay may iba pang mga personal na pagsubok na pinagdaanan. Ngunit sa halip na kayo ay manghina, huminto at magdesisyon na wag nalang magpatuloy, kayo ay nagpatuloy, nagpursige at nagwagi,” dagdag niya.
Samantala, kinilala rin ng pamunuan ng CDC si Mayflor Ramos-Candelaria, isang empleyado ng CDC na nagtapos sa ilalim ng Masters of Management Program sa UP-DEPPO. Isa lamang si Candelaria sa hindi mabilang na empleyado ng CDC na natapos ang kanilang masters’ degree sa UP-DEPPO na suportado ng state-owned firm.
“After taking the Masters in Management (MM) during the COVID-19 pandemic period, I realized that age does not matter with determination and the earnest desire for learning and self-improvement. UPDEPPO Batch 2020-2021 is the second class to undergo a virtual graduation and to take the Comprehensive examinations on-line. Technology worked wonders during the Comprehensive exams conducted via Zoom (for the proctoring) and Google Forms for the exam itself. My MM journey was very fulfilling for it was completed in a new normal (online) which will be the new standard for future students,” ani ni Candelaria.
Nagbibigay ang CDC ng scholarship sa kanilang mga empleyado na pursigidong mag-aral upang maging isang ganap na propesyonal.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna