CLARK FREEPORT— Umabot sa kabuuang 1,299 Aeta residents ang nakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 sa isang serye ng vaccination activities na organisado ng Clark Development Corporation (CDC).
Nabigyan ng kanilang first dose ng COVID-19 vaccine ang mga aeta mula sa Sitio Monicayo sa Barangay Calumpang, Barangay Marcos Village at Barangay Macapagal Village sa Mabalacat City.
Ayon sa CDC, binakunahan din ang mga manggagawa at residente ng Freeport na ito at kalapit na mga komunidad bilang bahagi ng National Vaccination Day na ginanap mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021.
Inorganisa ang vaccination activities na inorganisa ng CDC Health and Sanitation Division (HSD) sa pakiki-colaborate ng CDC Corporate Social Responsibilty and Placement Division (CSRPD) at Mabalacat City Local Government Unit (LGU).
Samantala, pinangunahan nina Clark Vaccination Team Head Physician Dr. Jenna De Leon Sison at Dr. Justine Flavier ang vaccination para sa Indigenous Peoples (IPs_ na nakatira sa mga nasabing barangay.
Sinamahan at tinulungan sila ng mga nurse na sina Jonalyn Garcia, Mae Daes, Darwin Garcia, Paul Siasico, at Ricky Manaloto.
Suportado naman ni Barangay Kagawad Ruby Queddeng at iba pang opisyal ng barangay ang nasabing inisyatibo ng CDC upang maabot ang mas maraming Aeta communities.
Magsasagawa rin ang CDC HSD Team ng pediatric vaccination sa Barangay Macapagal Village sa Disyembre 7, 2021 upang mabakunahan ang mas maraming kabataan laban sa COVID-19.
Una nang inilunsad ng CDC ang “#TurukanSaClark” immunization driver na ginanap sa Comercio Central Park, Clark Polytechnic Hall, at Alpha Aviation Group’s Gym sa Clark.
Umaasa ang state-owned form na makapagsagawa ng mas marami pang inoculation activities sa mga susunod na araw upang mabakunahan ang mas maraming tao at makamit ang herd immunity sa Freeport na ito at mga kalapit na komunidad nito.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE