January 12, 2025

CBCP sa publiko: Suportahan ang hakbang ng pamahalaan sa repatriation ng mga Filipino sa Sri Lanka

NANAWAGAN ng pagkakaisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant people (CBCP-ECMI) upang ligtas na makauwi ang mga Pilipinong nananatili sa Sri Lanka.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos – Vice-chairman ng CBCP-ECMI, nararapat suportahan ang pamahalaan upang maging matagumpay ang repatriations efforts ng Department of Foreign Affairs (DFA)sa mga Pilipinong nasa Sri Lanka na nagnanais makauwi na sa Pilipinas.

Para sa kanilang kaligtasan at proteksiyon, sinabi ni Bishop Santoa na suportahan at tugunin ng mamamayan ang panawagan ng pamahalaan na pakikiisa at kolaborasyon para sa repatriyasyon ng mga manggagawang Filipino na nasa Sri Lanka.

Paalala naman ng CBCP-ECMI sa mga Pilipinong nananatili sa Sri Lanka ang patuloy na pag-iingat kasabay ng pagsunod sa mga tagubilin ng Philippine Embassy.

Sa report ng  DFA, aabot sa 700-Overseas Filipino Workers at migranteng Pilipino ang nananatili sa Sri Lanka.

Sa bilang na ito, higit sa 100-Pilipino ang nagpahayag ng pagnanais na makaalis na sa bansang nakakaranas ng matinding krisis sa ekonomiya kung saan umiiral na ang ‘State of Emergency’.