Pinuna ni dating House Speaker Allan Peter Cayetano ang mabagal na pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang maapektuhan ng dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR.
Dismayado si Cayetano na huling araw na bukas para sa 2-week ECQ pero wala pa rin ang ayuda.
Dapat aniya ay noong Lunes pa ito sinimulang dinownload ng DSWD sa mga LGUs upang natapos na ang distribusyon nito bukas.
Sinabi ni Cayetano na mababalewala ang layunin ng ECQ kung magsisiksikan sa pila ang mga tao na kumuha ng ECQ ayuda sa panahong umiiral na ang ECQ.
Ani Cayetano, sa susunod ay dapat ay mas maagap at planuhing mabuti ang mga gagawing lockdown o ECQ dahil di biro ang dinaranas na hirap ng mga bulnerableng pamilya sa gitna ng pandemya
Ikinalugod naman ng dating House speaker ang pag-angat ng kanyang puwesto sa Octa Research survey.
Ayon kay Cayetano, natutuwa siya dahil kahit papaano ay napapansin ng tao ang pagsisikap niya na makatulong sa ilan nating mga kababayan kahit di pa naipapasa ng Kamara ang economic stimulus o ang pagkakaloob ng 10 libong pisong ayuda sa bawat pamilya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA