November 18, 2024

CAYETANO: MAGING MAINGAT TAYO SA PAGTUTURO NG ASAL AT UGALI SA KABATAAN

Hinimok ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Lunes ang taumbayan na maging maingat sa mga itinuturong asal at pag-uugali sa kabataan dahil malaki ang epekto nito sa kanilang pagtanda at hinaharap.

“Kapag ang itinuturo natin sa mga bata ay ang tama, hanggang pagtanda po ay maganda ang ating lipunan. Pero kung ang lalabas po sa ating bibig ay tsismis o mapang-api, at kung bata pa lang ay tinuturuan na silang magsinungaling o magmura, magkakaroon po tayo ng problema,” paalala ng senador ngayong Lunes, February 13, 2023, sa flag ceremony sa Lungsod ng Taguig, kasabay ng kanilang paggunita sa National Oral Health Month.

Aniya, mahalagang turuan ang kabataan ng magandang asal dahil nagagaya at nadadala nila ang parehong mabuti at maling pag-uugali habang sila ay tumatanda.

“Kung ano-ano pong pinaggagawa natin sa kamay nila, tapos natatawa tayo. Kung ano-anong malalaswa pinapasabi natin kasi cute kapag bata sila, pero pagdating ng teenager, problema niyo na, ayaw nang umuwi, nagpa-party, may teenage pregnancy, nagda-drugs. Bakit po? Eh lumaking hindi alam kung ano ang tama at mali,” wika ng senador.

Tulad ng pagkakaisa ng simbahan sa Bibliya, hinikayat ni Cayetano ang mga Pilipino na magkaisa at magtulungan upang malampasan ang mga hamon sa bansa pagkatapos ng pandemya.

“Binabanggit ko po ito dahil marami pong sakit ng ngipin ang ating lipunan, at ‘yung sakit ng ngipin po na yan ay ramdam ng buong katawan,” aniya.

Nanawagan din ang senador sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan na padaliin ang buhay ng mga taxpayer sa Taguig para lalong lumakas ang kanilang kumpiyansa sa City Hall.

“Pakiusap ko po, pray, support, and do everything na maging successful ang mga businesses sa Taguig para ang pakiramdam nila, ang pagbabayad ng tax is just one joyful moment of their existence in Taguig, hindi (parang) pagbubunot ng ngipin,” sabi niya.

“Katulad ng tema ng oral health month, let’s take care of our taxpayers like we take care of our teeth para habang buhay maganda ang smile nila at maganda po ang