INIHAYAG ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang na ipagpapatuloy niya ang paglilinis sa ahensiya hanggang tumatak sa isip at puso ng kanyang mga tauhan ang kahalagahan ng disiplina at pagpapahalaga sa kanilang tungkulin.
Ayon kay Catapang, gagawaran ng promotion ang BOC personnel na ginagampanan ng mabuti ang kanilang trabaho at patuloy na nagiging asset ng ahensiya, habang sisibakin ang mga pasaway na tauhan na patuloy na sumisira sa pangalan ng ahensiya.
Sa ngayon, 26 personnel na ang sinibak sa serbisyo dahil sa pagiging abusado at pabaya sa kanilang tungkulin simula nang maupo si Catapang sa kanyang tanggapan noong Oktubre 2022.
Idinagdag pa ng opisyal na mayroon ng 71 personnel ang iniimbestigahan ng BuCor Internal Affairs Office habang 35 uniformed at isang non uniform personnel ang iniimbestigahan ng Intelligence and Investigation Division dahil sa iba’t ibang alegasyon at paglabag.
Samantala, ibinunyag ni Catapang, na 128 personnel ang na-promote sa serbisyo na ginawa ng maayos ang kanilang trabaho at ito’y kinabibilangan ng dalawang Corrections Chief Superintendent, Corrections Superintendent, Corrections Technical Chief Inspectors, Corrections Chief Inspectors, Corrections Senior Officer IV, Corrections Officers II, Corrections Technical Officer II at Non- Uniformed Personnel.
“We will continue to promote deserving personnel, and we will continue to recruit new blood and rest assured that as long as I am the Director General, I will continue to reform the bureau until everything is put in order,” saad ni Catapang.
“With the help of reformed Bucor personnel, Catapang said they will turn around in five years the 50 years that the bureau has been neglected, which is the reason why they are working 10 times faster than the other government agencies,” dagdag pa niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA