January 24, 2025

Catapang sa mga nagsipagtapos na tauhan ng BUCOR: ‘Do your job well’

“I will not allow destruction to bother me when it comes to the reformation I am implementing both for persons deprived of liberty and personnel of the Bureau of Corrections.”

Ito ang isinagawang pahayag ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., sa ginanap na graduation ceremony ng Officers Advance Course Custodial Class 2024-01 “MABALASIK” noong Martes ng hapon sa New Conference Room, National Headquarters sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Catapang sa mga nagsipagtapos na bahagi ang schooling ng reformation para sa mga tauhan ng BuCor upang palakasin ang kanilang leadership, at magamit ang wastong kaalaman at skills para sa kanilang career advancement.

“Make sure that you will not fail us because you are the future of Bucor, and we are here to prepare you for a much bigger task. Pina-schooling kayo, para pag dumating ang oras na kayo na ang magpapatakbo ng Bucor alam nyo na ang gagawin,” saad ni Catapang.

“You have to maintain your good record as mid-level officers of this bureau by protecting your reputation and integrity and being mindful of proper decorum. You should show great courage to fight temptations, especially in the face of challenges and adversity,” dagdag pa nito.

Binalaan din ng BuCor Chief ang mga graduates na huwag gumawa ng kasalanan na makakasira sa kanilang career dahil hindi siya magdadalawang-isip na imbestigahan ang mga ito at buong puwersa na paiiralin ang batas.

“Ayoko na madiskaril ang career ninyo, so do your job well,” ayon kay Catapang.

Ang sampung graduates ng unang OAC Custodial Class 2021 “MABALASIK” ay sina C/CINSP Lucio C. Guevarra, C/CINSP Gary A. Garcia, C/CINSP Ricardo R. Sespeñe Jr., C/CINSP Divina S. Camiña, C/CINSP Ruben R. Formoso, C/CINSP Roger O. Boncales, C/CINSP Michael M. Artin, C/CINSP Eduardo P. Gorgoza, C/CINSP JoseMarioBuñag D. Alambro, at C/CINSP Ronilo D. Salonga.

Samantala, 1,031 trainees na binubuo ng 212 babae at 829 na lalaki ang isasailalim ngayon araw sa kanilang anim na buwan na Corrections Officer Custodial Basic Course.

Sabay-sabay na isinagawa ang simpleng opening ceremony at reception rites sa iba’t ibang Operating Prison at Penal farms ng Bucor habang ang mga nasa NBP headquarters ay dumalo sa programa sa Corrections National Training Institute (CNTI) ground sa loob ng NBP Compound sa Muntinlupa City.