
Sa ikalawang pagkakataon ay muling pinatawan ng contempt ng quad committee si Cassandra Li Ong.
Base sa pasya ng quad committee, ikukulong si Ong sa Women’s Correctional sa Mandaluyong hanggang sa matapos ang imbestigasyon nito at makapaglabas ng committee report.
Ang pag-contempt ng quad committee kay Ong ay dahil sa pagtanggi nito na sagutin ang tanong ng mga kongresista sa pagdinig ukol sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Si Ong ay sinasabing incorporator ng Lucky South 99 at corporate secretary ng Whirlwind Corporation.
Ang Lucky South 99, ay ang POGO hub sa Porac, Pampanga na ni-raid kamakailan ng mga otoridad.
More Stories
BABAENG NAGPANGGAP NA PULIS ARESTADO SA PAGWAWALA, DROGA
KITA NG GASOLINAHAN, NILIMAS NG RIDER
PILIPINAS TINANGGAL SA ‘GREY LIST’ NG FATF