Sasagupa si John Riel Casimero (31-4, 21 KOs) kay ex-IBF 118-pound titlist at challenger Paul Butler (33-215KOs). Ito ay ikakasa sa Abril 23 sa Liverpool, England.
Naudlot ang laban ng dalawa noong December dahil sa pre-fight Gastritis ni ‘Quadro Alas.Dahilan upang di ito makadalo sa kanilang weigh-in bago ang laban.
Pero ngayon, wala na itong atrasan at tuloy na tuloy na. Idedepensa ni Casimero ang tangang belt. Na kanyang nahablot noong Nov. 30, 2019 kay Zolani Tete ng South Africa.
“Please be advised that the WBO World Championship Committee grants sanction approval for the above-referenced Bantamweight Mandatory bout between John Riel Casimero and Butler, scheduled for Saturday, April 23, 2022, in Liverpool, England, United Kingdom,” batay sa liham na ipinadala ni Luis Batista-Salas, chairman ng WBO Championship Committee sa lahat ng nasasakuping partido.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo