Target ng North Luzon Expressway (NLEX) ang muling pagbubukas ng cash lanes sa kanilang mga toll sa Lunes.
Ayon kay Metro Pacific Tollways (MPTC) Chief Communications Officer Atty. Romulo Quimbo Jr., Chief Communications Officer ng MPTC, ito ang kanilang tugon kasunod ng problema ng Radio-Frequency Identification (RFID) system.
Aalisin na rin ang minimum prepaid load sa RFID na ipapatupad sa mga susunod na araw.
Bukod dito, ililipat na rin ang RFID sticker installation at account reloading sa Karuhatan at Mindanao toll plaza para maibsan ang mabigat na trapiko sa NLEX.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY