Bagama’t naapektuhan ng novel coronavirus disease-2019 (COVD-19) na ipagpatuloy ang kanilang income performance, nagawa pa ring makapag-remit ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng P1 bilyon sa National Treasury ngayong araw, dahilan para umabot sa kabuang P18 billion cash dividends contribution nito para sa taong 2019.
Layon ng ahensiya na tulungan ang pamahalan na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at makapaglaan ng economic relief para sa mga negosyo at indibidwal na nasapul ng pandemya.
Personal na inabot ni PAGCOR’s VP for Finance and Treasury Recto Baltazar, Jr. ang tseke bilang cash dividends ng ahensiya kay Officer-In-Charge and Director for Asset Management Service Eduardo Anthony Mariño III sa ginanap na isang simpleng seremonya sa Bureau of the Treasury office sa Intramuros, Manila.
“Our agency remains financially challenged due to our limited gaming operations, but this won’t prevent us from fulfilling our obligations to the national government especially in this time of the pandemic,” saad ni Baltazar.
“PAGCOR’s contributions are always appreciated especially now. As you might already be aware, kailangan ng pang augment ng funds. Tax revenues are down and everyone is having a hard time gathering resources for the government. The funds will be a great help to the national government’s efforts to battle COVID-19,” ayon naman kay Mariño.
Matatandaan na nakapag-turn over din ang PAGCOR ng P5 bilyon sa state coffers noong Hunyo 6, 2020 bilang karagdagan sa P12 bilyon na nai-remit noong Marso 23, 2020.
Dahil sa latest remittance, nanatiling nangunguna ang ahensiya sa top three government-owned and controlled corporations na may pinakamalaking cash dividends contribution, maliban sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine Deposit Insurance Corporation.
More Stories
9 arestado sa sugal, droga at baril sa Valenzuela
Helper, pinagsasaksak ng kapitbahay dahil sa selos
MIAMI HEAT HINDI ITI-TRADE SI JIMMY BUTLER