December 24, 2024

Cash, alahas tinangay ng 5 ‘pekeng PDEA agents’ sa Laguna

KILALA na ng mga otoridad ng San Pedro City Police Station ang isa sa mga person’s of interest na nagpanggap na mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na tumangay sa isang vault na may laman ng ‘di pa batid na halaga ng mga pera at importanteng mga gamit ng isang hindi pinangalanang biktima pasado alas-3:00 ng hapon nitong Miyerkules, November 6, 2024 sa Phase 2 ng Barangay Pacita 1 sa Lungsod ng San Pedro, Laguna.

Ayon sa salaysay ng biktima dumating sa kanilang bahay ang mga suspek na mga nagpakilala di umano na mga taga PDEA at may mga dalang mga hindi pa batid na mga kalibre ng mga baril para  magsisilbi ng arrest warrant sa biktima subalit ng makapasok sa bahay ang mga suspek ay agad itinali ang kamay ng biktima at tinutukan ng baril bago isa isang nilimas ang mga mahahalagang gamit at isang vault na may laman na di pa batid na halaga ng pera bago mabilis na tumakas sakay isang kulay marroon na SUV patungo sa direksyon ng Silang- Tagaytay City Road sa Cavite base sa kuha ng CCTV.

Sinabi naman ni San Pedro City Chief Police Lieutenant Colonel Jaime S. Pederio, nagtungo na umano ang kanilang tracker team sa Cavite para sa isinasagawang follow-up operation and investigation at nakikipag ugnayan na rin sila ngayon sa Land Transportation Office (LTO) para alamin kung sino ang may ari ng sasakyan na sinakyan ng mga tumakas na suspek upang madakip ang mga ang mga ito at para mabawi ang mga ninakaw na gamit at ang vault na may laman na mga pera ng biktima.(Erichh Abrenica)