January 23, 2025

‘CARPIO HOUR’ WALA SA TIYEMPO

WALA lagi sa timing ang panghihimasok nitong si dating Associate Justice Antonio Carpio sa pamahalaan partikular kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 Ano nga ba ang ‘K’ niya para mangialam sa administrasyon gayong wala naman siya sa posisyon at umaaktong lider lang ng oposisyon.

Sige ang kanyang ULOT na hamunin at giyerahin ang higanteng CHINA na umaaligid at may nakalagpas na sa territorial dispute sa West Philippine Sea.

Daig pa niya ang miron na mas magaling pa sa tumutumbok na bilyarista gayong pag siya na ang tumira ay banong-bano naman ito sa diskarte ng pocketing.

Gayong noong sila ang nakapwesto sa nakaraang administrasyon ay wala naman itong nagawa kundi ngawa kahit na may desisyon ang international tribunal pabor sa Pilipinas pero hindi iginalang na ganid na dambuhalang  bansa.

Ang bentaheng posisyon ng sakim na China ay minana lang  ng kasalukuyang administrasyon ay siyang may timon kung anong istratehiya ang gagawin ng Pangulo at hindi kailangan ang pangengealam ng mga kritiko dito tulad ni Carpio.

Ngayon kung atat sa giyera sina Carpio at al, sila nalang ang ipambala sa kanyon ng ating Hukbong Dagat at Coast Guard at tingnan natin kundi magkakawag ang  mga paepal nang wala sa lugar.

Bawat galaw ni PRRD tungkol sa isyu ng China intrusion ay dapat kalkulado kaya nga  nagparamdam na ng resistance ang ating foreign affairs at depensa sa timon ng Pangulo.

Ang latest development ay gumiya na rin ang ating mga barkong pandigma patungong disputed territory upang ipakita ang ating kahandaang lumaban para sa ipagtanggol ang ating soberenya.

Nariyan na rin ang ating ally na Estados Unidos, maging ang Australia  pati France at Russia ay parating at handang tumulong ng pwersa kapag lumala ang sitwasyon.

Op kors, alinmang bansa at leaders na nasa matinong kaisipan ay ayaw ng DIGMAAN. Ultimately ay aatras ang China sa balak nitong mangamkam ng islang mayaman sa marine wealth, langis at pagiging strategic nito pagdating sa giyera dahil sa daming mga military structures na maitatayo sa pinag-aagawang teritoryo sa karagatan.

 Tiyak na magsisibalik sa kanilang main base ang mga militia boats na ikinalat ng TSINA.

 Kaya di dapat na nanghihimasok ang isang tulad ng noo’y pinagpipitagan na si AJ Carpio bago naging kakampi ng oposisyong nais lang ay kabiguan ni Duterte kahit na ikapapahamak ng mamamayang Pilipino.

Paso na ang ‘Carpio Hour ‘  ng pumapel na lider ng grupo ng anti- Duterte na WATAKBAYAN na ngayon. MISMO!