NAKORNER ng Manila Police District (MPD) sa Quiapo, Manila ang isang carnaper na dalawang taon nagtago.
Ayon kay MPD Director Gen. Arnold Thomas Ibay, naaresto ng MPD-District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) si Ricky Ceres, 39, kasalukuyang delivery driver, noong alas-12:00 ng tanghali sa Raon Street sa naturang lugar.
Nadakip si Verez sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Manila RTC Presiding Judge Phillip Charles Santos ng Branch 45 na may petsang Disyembre 22, 2022, kaugnay sa kaso ng suspek dahil sa paglabag sa Section 3 of R.A. 10883 (New Anti-Carnapping Act).
Inirekomenda ni Judge Santos ang piyansa na P300,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Nasa kustodiya ng DPIOU ang suspek at nakatakdang dalhin sa korte para sa tamang disposisyon. (ARSENIO TAN)
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA