ANIM na buwan bago ang 2024 Summer Olympics sa Paris, walang tigil si Filipino gymnast Carlos Yulo sa pag-eensayo araw-araw, upang mapaganda pa lalo ang kanyang performance para sa nasabing laban.Lumipat si Yulo, 23, ng training camp mula Tokyo patungong Manila para sa pukpukang pagsasanay para sa tatlong aparato – floor, vault at parallel bars.Nakahirit si Yulo ng silya sa Paris Olympics sa ginanap na World Championships noong nakaraang taon sa Antwerp, Belgium. Siya ang pangalawang kwalipikadong Filipino sa Olympics, pagkatapos ni pole vaulter EJ Obiena.”Nandun na ako sa process na nagdagdag ako ng isang element, isang skill. Isang pass na makakaangat sa D-score ko. 6.3 (difficulty) ako last year sa World Championships and sa routine ko ngayon is 6.6. Yun po yung wino-work ko, mabigat din siya kapag sa all-around,” saad ni Yulo.Sa anim na buwan na paghahanda bago ang Olympics, sinabi ni Yulo na pakiramdam niya na mas malakas at mas confident na siya ngayon matapos madagdagan ang kanyang strength at conditioning exercises, ini-adjust ang kanyang nutrisyon at dinagdgan ang mental toughness training. Nalulugod din siya sa mga bagong nadagdag sa kanyang team — sports occupational therapist Hazel Calawod, nutritionist Jeaneth Aro, and head coach Aldrin Castaneda.
Sa ngayon nakatutok si Yulo na i-master ang bawat detalye ng kanyang routine – kung saan naniniwala siya na masusungkit ang medalya kung gagawin niya lahat ang kanyang best para sa performance.
“Kasi susunod naman talaga yung medal ko dun sa magiging performance ko so dun ako naka-base. Kung maganda performance ko, kung happy ako sa performance ko, yung standard na pinut ko sa sarili ko, pag na-reach ko yun, contender na yun for gold,” dagdag niya.
Nais ni Yulo na makasungkit ng medalya sa pagkakataong ito matapos mabigong makasikwat noong 2020 Tokyo Olympics sa Japan. RON TOLENTINO
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA