NILINAW ni Philippine double gold medalist Carlos Yulo ang ugat ng alitan nila ng kanyang ina na si Angelica Yulo matapos ang kanyang makasaysayang kampanya sa Paris Olympics 2024.
Sa kaniyang Tiktok account ay isa-isang sinagot ni Carlos Yulo ang ilang mga paratang at sinabi ng kaniyang Ina laban sa kaniya at sa girlfriend nitong si Chloe.
Una niyang sinagot ang patungkol sa incentives na aniya ay umaabot sa six digits na pera na siyang ginagastos umano ng kaniyang ina ng walang paalam sa kaniya.
“Ang sakin lang gusto ko pong malaman kung saan po napunta ang incentives ko na iyon.. Ang principle po rito ay wala po sa liit o laki na amount po ng incentives ang ginalaw niya kundi po sa pagtago o pag galaw niya ng wala ko pong consent yung pinu point ko po sa kaniya.
“About po sa red flag daw si Chloe na sinabi ng Mama ko hinusgahan niya po agad si Chloe sa pananamit at sa pag akto po niya… Lumaki po siya sa Australia.. ibang iba po sa Pilipinas.
“About po sa mauubos po ang anak ko sabi ng mama ko.. Unang una po may sarili pong income si Chloe.. galing po iyon sa pinagpaguran niya.. lahat po ng bank accounts ko nasa mama ko po, may mga instances po talaga na si Chloe po ang sumasalo sa akin dati po. Nung nakuha ko na yung bank account ko na po iyon doon ko po nalaman na inuubos niya na po yung laman nun, nasa akin po ang bank statement ng withdrawal na ginagawa niya po.
“Unang una pa lang ayaw niya na kay Chloe kahit hindi pa niya nakikita or nakikilala in person, mas nagkalabuan po kami nung maglagay ako ng bounderies sa relationship ko kasi ipinaglaban ko po si Chloe dahil gusto ko po siya.
“Yung kwento nya po na nakabalandra raw yung pwet po (ni Chloe), bilang nakakatandang kapatid po at bilang boyfriend ni Chloe.. aalagaan po namin siya di po namin gagawin yung mga naiisip niya na ganun ang dumi niya mag-isip at hindi appropriate yun para sa akin at disrespectful iyon para sa akin at kay Chloe po.
“May recent interview po kayo na kinu-congratulate po ako kung genuine po kayo talaga Ma maraming maraming salamat po ina acknowledge ko po yung pagku congratulate nyo sa akin. Pero nagpa flashback pa rin po yung mga masasakit na sinabi niyo sa akin at yung mga hindi niyo pag wish well sa akin tumatatak po yun sa akin talaga,” ang magabang kwento ni Carlos.
Sa huli ay nagbigay ng wish si Carlos sa ina na mag-move on, mag-heal na at i-celebrate na lamang ang pagkapanalo ng bawat Pinoy sa Olympics.
“Ang wish ko po sa inyo Ma na magheal kayo, mag move on at napatawad ko na kayo long time ago po, pinagpi-pray ko na maging safe kayo palagi at nasa maayos kayong kalagayan lahat diyan. Tigilan na po natin to at i celebrate na lang natin yung mga ginawang paghihirap at pagsasakripisyo ng bawat atletang Filipino dito sa Olympics.” (RON TOLENTINO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA