
Sadyang dinodomina ni Carlos Yulo ang gymnastics competition sa 31st SEA Games. Katunayan, kinamig nito ang 4th gold medal sa men’s vault finals. Nagtala ang sensational Pinoy gymnast ng 14.700 score.
Makalipas lamang ang ilang oras, muli itong kumamig ng isa pang gold medal. Ang 5th gold ay nasungkit niya sa men’s all-around individual. Sa sobrang galak, binuhat at niyakap siya ni PSC Commissioner Ramon Fernandez. Si Fernandez ay siya ring chief de mission sa biennial meet.
Samantala, nakakuha rin ng gold medal si Merwin Tan sa bowling competition. Nakuha niya ito sa men’s singles. Tinighaw din ni Tan ang pagkauhaw ng bansa sa bowling.
Kung saan, 11 taon naghintay ang Pilipinas sa nasabing event.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT