Sina Medalists Carlos Yulo at Aira Villegas ang magbibitbit ng watawat ng Pilipinas sa closing ceremony ng 2024 Paris Olympics bukas.
Ito ang kinumpirma ng Philippine Olympics Committee (PIC nitong Sabado ng hapon.
Mag-uuwi si Yulo ng dalawang medalyang ginto para as Pilipinas matapos manguna as vault and floor exercise sa men’s artistic gymanastics, habang tatatak ang Olympic debut ni Villegas, matapos makuha ang bronze sa women’s 50kg division sa boksing.
Makakasama rin nila sa closing ceremony ang mga boxers na sina Nesthy Petecio – na isa ring bronze medalist – Carlo Paalam, Hergie Bacyadan at Eumir Marcial, gayundin sina weightlifters John Ceniza, Elreen Ando at Vanessa Sarno.
Bahagi rin si Hurdler Lauren Haoffman ng 20-strong delegation na bahagi rin ng boxing at weightlifting coaches.
Inaasahang babalik sa bansa ang mga Olympians sa Martes, kung saan paparangalan sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Malacañang. (RON TOLENTINO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA