Rumekta si Pinoy boxer Carlo Paalam sa Round of 16 matapos sa Tokyo Olympics Tinalo ni Paalam ang Irish pug na si Brendan Ervin sa Round of 32, 4-1 via split decision.
Tinapos ng 23-anyos na si Paalam ang laban sa Round 3. Impresibo ang ipinamalas nitong opensa at depensa. Kaya, nalikida niya ang Irish boxer.
“Thankful ako kasi nanalo tayo on the first day ng laro ko,” ani ng Bukidnon native na si Paalam.
Medyo dikit man ang laban, at least, binuhos ko kung anong natitira sa pagod ko, binuhos ko na lahat po.”
Naging agresibo si Carlo sa opening round. Kung saan, ipinamalas ang kanyang counter punches na komukonekta kay Ervin. Naisalya rin niya ang Irishman sa corner at nirapido ang suntok.
Kaya, nakuha niya ang first round. Sa second round naman ay nagpakawala siya ng mga combinations. Nagpatuloy ang momentum nito hanggang third round.
Muling uupak si Paalam sa Sabado, July 31 sa ganap na alas 11:48 ng umaga. Makakaharap nito sa laban si Mohamed Flissi ng Algeria.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA