Umabanse si Carlo Paalam sa medal round ng olympic boxing. Ito’y matapos daigin si Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan. Nakuha ni Paalam ang second round slipt decision win.
Dahil sa panalo, nakasisiguro na ng medal ang Bukidnod native pug. Naging intense ang laban dahil sa nangyaring untugan ng mga ulo. Na nangyari sa 1:44 left sa second round.
Naging susi ni Paalam ang counter-punching nito upang patigilin si Zoirov. Na noong una ay agresibo at matikas ang footwork.
Malutong din ang pinakawalang combinations ni Paalam. Maging ito man ay sa muha at katawan. Kaya, nakuha nito ang 5-0 points sa first round. Solidong kaliwa at depensa’t opensa sa kanan ang ginawa nito sa second round.
Kung kaya, nawala sa wisyo ang 2016 Rio Olympics champ. Makahaharap niya sa semifinals si Ryomei Tanaka. Ginapi ni Tanaka si Yuberien Martinez ng Colombia sa 4-1 decision
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA