Babanderahan ni billiard ace Carlo Biado ang Philippine contingent sa Alabama. Sasargo ang team PH sa quadrennial World Games sa July. Idi-depensa ng bansa ang one international title.
Ang naturang torneo ay idinaraos kada apat na taon. Kaya, sabik na si Biado na idepensa ang titulo. Kung saan, nasargo niya ang gold medal sa men’s 9-ball singles sa event sa Wroclow, Poland noong 2017.
Bukod kay Biado, sasargo din ang ilang PH cuer masters. Kabilang na rito si Rubilen Amit (women’s 9-ball). Si Biado ay naghari noon sa 2021 US Open 9-ball. Gayundin sa 2022 US Open 8-ball.Nitong nakaraang 31st SEA Games, sumargo rin ng gold medal sa men’s 9-ball singles si Biado.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2