Pinagharian ni Carlo Biado 2021 US Open Pool Championship sa Atlantic City sa New Jersey. Tinalo nito si Aloysius Yapp sa race-to-13 final sa iskor na 13-8. Naging malamya ang simula ng Pinoy cue baller. Kaya, natambakan siya ng kalaban.
Subalit, dahil sa magandang sargo at diskarte, nagawa niyang makahabol mula sa 3-8 deficit. Nakatira siya ng 10 straight racks dahilan upang silatin ng binansagang ‘The Black Tiger’ ang Singaporean cue baller.
Ang pagkampeon ni Biado sa torneo ay kauna-unahan sa nakalipas na 27 taon. Huling nagkampeon sa US Open si Eren ‘Bata’ Reyes noong 1994.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!