June 25, 2024

CARLO AQUINO AT CHARLIE DIZON IKINASAL NA

📷 Myio Okamoto Photography

IKINASAL na ang celebrity couple na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon ngayong araw, mahigit isang taon matapos nilang kompirmahin ang relasyon.

Ibinahagi ng wedding photographer na si Myio Okamoto ang official photos ng seremonya.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, ginanap ang kasal sa isang private resort sa Silang Cavite.

Ilan sa dumalo sa wedding ay ang mga celebrity tulad nina Sue Ramirez, Belle Mariano, Loisa Andalio, Ellise Joson, Vilma Santos-Concop, Maricel Soriano at ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Laurenti Dyogi at iba pa.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang ipinopost sina Aquino at Dizon kaugnay sa kasal.

Umugong ang usap-usapan kaugnay sa kasal ng aktor nang ibahagi ng aktor ang kanilang sweet photo na magkahawak ang mga kamay habang nasa isang lake kahapon.

Unti-unti natin gagapangin ang buhay [nang] nakatawa,” mababasa sa kanyang caption.

Nag-reply naman si Dizon sa comment section na:
“I love you.”