
Isinalang si Pinoy boxer Carl Jammes Martin bilang bagong pambato ng Probellum Promotions. Opisyal nang lumagda ang tinaguriang ‘ Wonder Boy’ sa nasabing promosyon.
Makakasama rin ng Iglesia Ni Cristo member at Ifugao boxer ang ilang Pinoy pugs sa ilalim ng promotion. Kabilang na sina Donnie ‘Ahas’ Nietes at Nonito Donaire Jr.
Ang undefeated Ifugao pug ay may record na 18 win at 15 knockouts. Kasama rin sa bagong nagsigned sa Probellum si Jazza Dickens (30-4, 11KOs).
Ang paglagda sa Probellum ay magbibigay kay ‘ Wonder Boy’ ng pagkakataong makaupak sa international bouts. Lalo na ang tsansang makasungkit ng de-kalibreng title belts.
More Stories
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt