January 24, 2025

Carl Frampton, nagtala ng TKO win kontra Darren Traynor

Pinatunayan ni Carl Frampton na kahit matagal na hindi umupak, matikas pa rin ang kanyang boxing skills.

Nagpahinga man ng 8 buwan ang 33-anyos na Irish boxer, naitala nito ang TKO win laban kay Darren Traynor.

Nanaig si Framton sa kabila na sumailalim ito sa 2 operasyon sa kamay noong Disyembre 2019.

Nilikida ni Frampton ang Scottish pug na si Traynor sa 7th round sa kanilang super-featherweight clash sa York Hall BT Sport sa London.

Pinarusahan ni Frampton ang katunggali sa malalakas na birada nito. Dahuilan upang mawala sa porma at wisyo si Traynor.

Pagsapit ng seventh round, lumambot si Traynor nang tamaan ng solidong suntok sa ulo. Tuluyan na itong napadapa sa lona nang tamaan ng malakas na birada sa bodega.

Dahil sa panalo, target ng former two-weight champ na makaharap si Jemal Herring para sa WBO title. Napaigi rin nito ng record niya na 28-2.

Once I started landing my jab, I hurt him a few times with the jab and then the body shots in the second half of the fight,” ani Frampton.

“I know I need to be a lot better but it was good to get the rounds in. My hands are fine, no issues there, so onwards and upwards.”