Nasunog nitong Sabado ng umaga ang isang cargo vessel na nakadaong sa ilalim ng Delpan Bridge sa Tondo, Manila.
Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, dakong alas-12:43 ng tanghali nang umabot sa ikaalimang alarma ang sunog na tumupok sa MV Titan 8.
Idineklarang under control ang apoy dakong alas-1:54 ng hapon at tuluyang naapula ganap na alas 2:57 ng hapon.
Anim ang nasugatan sa nangyaring sunog. (BOY LLAMAS)
More Stories
P21-M SHABU NASABAT SA 2 HIGH VALUE INDIVIDUAL SA QUEZON
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)