PATAY sa nangyaring aksidente ang driver ng isang Isuzu Cargo Forwarding Truck na may plakang EVS414 habang malubha naman nasugatan at nasaktan ang pahinante nito kabilang ang driver at konduktor at lima pang mga pasahero ng pampasaherong bus na Mitsubishi Fuso na pagmamay ari Smart Bus Company dahil sa nangyaring road accident collision sa tapat ng isang gasoline station pasado alas-2:00 ng madaling araw ng Biyernes, December 27, 2024 sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. San Antonio sa Lungsod ng San Pablo, Laguna.
Kinilala ang nasawing driver ng cargo forwarding truck na si Marlon Artiaga, nasa hustong gulang at ang kanyang pahinante na si Jomar Balla, 44 anyos, parehong residente sa bayan ng Pio Duran sa Albay.
Nagtamo din ng matinding pinsala at sugat sa katawan ang driver ng Star Bus na si Christian Bon Borbo, 42 anyos at kanyang konduktor na si Jayson B. Manuel, 34, kasama ang limang pasahero na sina Paul Marie Butial, 21, Hanah Camalig, 13, Jose Camalia Jr., 47, Carolina Ombiang, 50, at si Marie Ellen Mamitang, 66 taon gulang.
Base sa isinagawang imbestigasyon ng San Pablo City PNP kasalukuyang dumadaan sa nasabing lugar ng pinangyarihan ng aksidente ang Cargo Truck na nasa south bound lane patungo ng Tiaong, Quezon habang nasa north bound lane naman ang bus papuntang San Pablo City, Laguna ng mabulaga at iniwasan ng bus ang hukay sa ginagawang kalsada ng Department of Public Woks and Highways (DPWH) na kulang umano sa warning device kaya’t napadpad ito sa linya ng trak at nangyari ang malagim na aksidente kapwa nagtamo ng matinding pinsala ang dalawang sasakyan.
Mabilis naman ang naging pagresponde ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Fire Station at ng iba pang ahensya sa nangyaring aksidente at dinala sa pagamutan ng San Pablo City ang mga nasugatan.
Mahaharap ang driver ng bus sa kasong Reckless Imprudence in Resulting to Homicide and Multiple Physical Injuries. (Erichh Abrenica)
More Stories
MIAMI HEAT HINDI ITI-TRADE SI JIMMY BUTLER
PRESYO NG MGA BILOG NA PRUTAS NAGMAHAL NA
LOLO DEDO SA SINTURON NI HUDAS; 125 BIKTIMA NG PAPUTOK