January 27, 2025

CARGO SHIP NA MAY LAMANG SAKO-SAKONG ASUKAL NAHARANG NG BOC

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Subic sa Zambales ang M/V Bangpakaew kahapon matapos makatanggap ng tip na may laman itong kontrabandong asukal.

Ang barko na ito ay mula umano sa Thailand at naglalaman ng tinatayang nasa 140,000 sako o katumbas ng 7 libong metrikong tonelada ng asukal.

Ang ibang asukal, naikarga na sa mga truck.

Ang mga nasabing asukal ay classified umano bilang Reserved Sugar Bottlers’ Grade

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang BOC na recycled umano ang dokumento ng nasabing kargamento.

Kaya Kahit may mga naipakitang dokumento iimbistigahan pa rin muna ito ng BOC.

Sa ngayon, bantay sarado ng mga tauhan ng BOC ang nasabing barko na muli nilang ininspeksyon para makita kung may mga nakatago pang kontrabando.

Una rito, nag inspeksyon rin ang BOC sa warehouse sa Pampanga at Bulacan kung saan nakita ang libo libong sako ng asukal na nagkakahalaga ng 220 milyong piso. Asahan na umano ang pag iikot at inspeksyon ng BOC sa iba’t ibang lugar sa bansa para matukoy kung mayroon ba talagang kakulangan sa suplay ng asukal.