
ARESTADO ang isang 68-anyos na caregiver matapos makuhanan ng closed-circuit television (CCTV) camera na sinasaktan ang kanyang inaalagaan na isang 91-anyos na lola sa Valenzuela City.
Nahaharap sa kasong slight physical injuries kaugnay ng Valenzuela City Ordinance na “Protection of Elderly Against Abuse” ang suspek na kinilala bilang si Alicia Cervantes, 68, ng Meycauayan City, Bulacan.
Ayon sa anak ng biktima na si Rodolfo ng Valenzuela City, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kapatid na si Jean, na nagta-trabaho sa ibang bansa, at sinabi nito na nakita sa CCTV footage na sinasaktan ng suspek ang kanilang ina.
Ang naturang CCTV camera ay nakakabit sa bahay ng biktima sa Barangay Veinte Reales, Valenzuela City, at konektado sa cellphone ni Jean.
Nang suriin ni Rodolfo ang CCTV recordings, lumitaw na bumagsak ang kanyang ina sa sahig nang hilahin ng supek ang inuupuan nito kaya humingi sila ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto kay Cervantes.
Ayon kay Police sub-station-6 commander, PLt Armando Delima,, nagkaroon ng minor injuries ang biktima sa balikat at magkabilang braso.
More Stories
Mahigit 4,000 PDLs, nakaboto sa Halalan 2025—BuCor
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente