September 19, 2024

CAREER NI NADINE LUSTRE, NAAPEKTUHAN NANG PAGSASARA NG ABS-CBN

HALOS lahat ay naapektuhan nang ipasara ang ABS-CBN. Hindi lamang si Nadine Lustre, halos lahat ay nawalan nang kanilang kita. Pero nakipaglaban din si Nadine, kanyang ipinagtanggol ang kanyang mother TV Network. Pero wala rin silang nagawa dahil, natuloy rin ang pagsasara nito, kaya ganuon na lamang ang kanyang lungkot.

“Nuong una hindi nila matanggap at masakit iyon para sa kanila, kasi nga naman hindi nila sukat akalain na maipapasara ang kanilang Kapamilya Network. Tapos kasabay pa ng Pandemic, halos lugmok talaga ang kalagayan ng ating mga artista.

“Wala pa siyang plano kung tuluyan na niyang iiwan ang kanyang mother network, pero sa ngayon ay panalangin ang kanyang sandata upang matakasan niya ang paroblemang kanyang dinaranas sa ngayon. Wala pa talagang opisyal na pahayag si Nadine, kung talagang magstart na siya sa TV5.

“Iyung tungkol sa pinupukol sa kanya ng kanyang mga bushers na laos na siya, hindi na lang niya iyon pinapansin. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay pagtuunan muna ang kanyang health, dahil takot siya na magkaroon ng coronavirus.” Kwento pa ng aking source.