December 23, 2024

CARDEMA SA INIHIANG REKLAMO NI GUANZON: ‘SA TERORISTANG NPA NGA ‘DI KAMI TAKOT, SA ‘YO PA’

HINDI na ikinagulat ni National Youth Commission (NYC) chairperson Ronald Cardema ang inihaing reklamo laban sa kanya ni P3PWD party-list Representative-elect Rowena Guanzon sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa statement na inilabas ni Office of Duterte Youth party-list Rep. Marie Cardema, “frivolous, vague at baseless” ang inihaing reklamo ni Guanzon.

“Sa teroristang NPA nga ‘di kami takot, sa ‘yo pa na ginamit ang position para baluktutin ang election rules at bastusin paulit ulit si incoming Pres. Bongbong Marcos,” ayon sa pahayag ng NYC chairperson.

Ani Rep. Cardema na ginagampanan lamang ng kanyang asawa ang kanyang tungkulin bilang opisyal ng gobyerno na itaguyod ang batas na iyon nang tumindig siya laban sa nominasyon ni Guanzon sa P3PWD party-list.

“As a government official seeing very clear violations of the law, Chairman Cardema is bound and mandated to uphold & defend it ALL THE TIME,”wika ni Rep. Cardema.

Matatandaan na kinuwestiyon ng Duterte Youth leaders ang substitution ni Guanzon bilang nominee ng P3PWD party-list limang buwan ang nakalilipas matapos siyang magretiro sa Commission on Elections (Comelec).

Ipinaliwanag ni Rep. Cardema na nakinabang si Guanzon sa desisyon ng Comelec na payagan ang P3PWD na lumahok sa party-list elections.

Ayon sa lady solon na ito ay paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act and Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. “Everybody knows that she used her Comelec position to publicly harass Chairman Ronald Cardema in the media and in social media, calling him degrading names, Chairman Cardema did not even do such things against her as a government official, he just always cites what laws she is violating, which is within his Oath & Mandate to Uphold as a Government Official & a Duty to our country,” dagdag ni Rep. Cardema.