October 27, 2024

CANNABIS LEGAL NA SA GERMANY

Isa na ngayon ang Germany sa pinakamalaking bansa sa EU na ginawang legal ang paggamit at pagtatanim ng cannabis o marijuana, sa kabila ng matinding pagtutol mula sa opposition politicians at medical associations.

Sa ilalim ng labis na pinagdedebatehang bagong batas, papayagan ang mga 18-anyos pataas na magdala ng 25 gramo ng pinatuyong cannabis at magtanim ng tatlong halaman ng marijuana sa bahay.

Matapos maging epektibo ang naturang batas, ilang daang katao ang nagtungo sa Berlin’s iconic Brandenbrug Gate, kung saan ilan sa kanila ang sabay-sabay na nagsindi ng marijuana, kung saan isa sa mga lumahok, ay ang sobrang saya na 25-anyos na si Niyazi, na tinawag niya ito na “kaunting dagdag na kalayaan.”

Bilang next step sa legal reform, simula sa July 1, posible na ring maging legal ang pagdadala ng weed sa pamamagitan “cannabis clubs” sa bansa.

Papayagan itong reulated associations na magkaroon ng 500 miyembro bawat isa, at bibigyan ng 50 gramo ng cannabis bawat tao kada buwan.