Nilikida ni Saul ‘Canelo’ Alvarez si Billy Joe Saunders sa loob ng eight rounds via technical knockout. Ang laban ng dalawa ay idinaos sa AT&T Stadium na pinanood ng 73,000-plus fans.
Ang attendance ng mga nanood ay largest crowd sa US na nanood ng indoor boxing event. Ito’y sa kabila na may pandemic.
Habang nirarapido ng Mexican boxing star si Saunders, naghagis ng towel ang corner nito. Hindi na kasi nakaporma ang British boxer dahil sa namamagang kanang mata.
Kaya naman, napanatili nito ang hawak na WBA at WBC super middleweight title belts. Nahablot din ni Alvares ang tangang WBO belt ng British boxer sa unification bout.
Napaigi rin ni Alvarez ang record na 56-1-2, 38 knockouts. Samantalang si Saunders ay 30-1, 14 KOs.
Ang panalo ng Mexican pug ay stepping stone upang dominahin ang 168-pound division.
Si Alvarez ay 4-weight world division champion. Na ang tanging batik sa kanyang boxing record ay nang matalo kay loyd Mayweather Jr.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo