LOS ANGELES (AFP) – Nahablot ni Mexican boxer Canelo Alvarez ang two super middleweight titles. Tinalo kasi nito si undefeated pug Callum Smith via unanimous decision.
Ang laban ng dalawa ay idinaos sa Alamodome sa San Antonio, Texas. Kaya naman, nakuha ni Alvarez ang vacant WBC title at ang WBA belt ni Smith.
Napaigi ni Alvarez ang boxing record nito sa 54-1-2, 36 knockouts. Habang si Smith ay natamo ang unang pagkatalo sa kanyang pro career. Siya ay may record na 27-1, 19 knockouts.
Ang pagkapanalo ni Canelo ay nagpalinaw sa posibilidad na muli silang maglaban ni Gennady Golovkin.
Nabigo si Golovkin kay Alvarez sa controversialmajority decision sa Las Vegas nooong 2018.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo