November 2, 2024

Canelo Alvarez, binoto ng WBC upang harapin si Turkish pug Avni Yildirim

Mexican pug Canelo Alvarez at Turkish boxer Avni Yildirim

Dahil sa kanyang kasikatan at karisma, magkakaroon ng tsansa si Saul ‘Canelo’Alvarez na mahablot ang vacant super-middleweight title.

Binigyan ng green-light ng WBC si Alvarez, 29, na makaharap ang isa pang contender sa title belt. Kaya naman, makahaharap nito si Turkish boxer Avni Yildirim, 29-anyos, sa lona.

Kabilang sa pinagbotohan ng WBC ang mga boxers na sina Callum Smith, Billy Joe Sanders at Jason Quigley. Naging landslide ang naging resulta ng botohan pabor sa Mexican pug.

Nabakante ang WBC super-middleweight belt nang mabigo si David Benavidez, 23, na magpababa ng timbang.

Kaya naman, na-penalised ang boxer at kinuha sa kanya ng WBC ang green and gold strap.

Dahil sa nangyari, kinakailangan ng World Boxing Council na magbotohan upang ikasa ang laban para sa nabakanteng belt. In-order nila ayon sa resulta ng botohan ang Alvarez-Yildirim bout.

Hindi pa man nagaganap ang kanyang comeback fight, balak ng Golden Boy Promotions ang ikasa ang Alvarez-Golovkin trilogy.

We have had some discussions about doing the third fight with Gennadiy Golovkin which would be very exciting.”

“He is willing to entertain that third fight,” ani Eric Gomez ng Golden Boy sa Sky Sports.

“Hopefully we can surprise everybody by getting that fight going next year.”