Para kay Rep. Camille Villar, hindi dapat maging isyu ang kanyang apeliyido o pagkakaroon ng kapatid sa Senado.
Ayon sa kongresista, na ang importante ay ang kanilang mga adokasiya at prayoridad, at kung paano sila naglilingkod sa bansa.
“Kaya naman po ako tumatakbo para sa Senado ngayon ay mayroon akong sariling adhikain. Katulad niyan, ako po ay isang ina at I belong to the millennial generation so nakikita ko po ‘yung pangangailangan po ng henerasyon namin, ‘yung nagiging struggle namin,” ayon kay Villar.
Dagdag pa nito na siya ay nakatuon sa pagtaguyod sa mga polisiya at programa na makabubuti sa bansa.
“Nakikita ko ‘yung hirap ng buhay ngayon at mayroon po akong nakikitang pwedeng isulong at mga solusyon sa Senado na nakahiwalay naman po at iba naman po sa ino-offer ng aking kapatid na si Sen. Mark,” paliwanag niya.
Binanggit din ni Villar na habang ang kanyang ina, Sen. Cynthia Villar, ay isang matibay na tagapagtaguyod ng agrikultura, ang kanyang sariling pokus sa lehislasyon ay nasa kalakalan at industriya.
Nanatiling matatag ang political dynasty ng mga Villar sa Senado, simula kay dating Senate President Manny Villar, sinundan ni Sen. Cynthia Villar, at si Sen. Mark Villar.
Kung makakuha ng puwesto si Camille Villar sa Senado sa halalan ng 2025, magsisilbi siya kasama ang kanyang kapatid, na magpapalawak pa ng impluwensya ng kanilang political dynasty sa lehislatura.
More Stories
Impeachment trial kay VP Sara hindi mamadaliin – Escudero
MGA PAMILYANG NASUNUGAN SA TAYTAY, INAYUDAHAN NI DATING MAYOR JORIC GACULA
Perya-sugalan sa Tikling, Taytay, Rizal aprobado ba ni Mayor Allan de Leon?