Nagtambal sina PBA player Calvin Abueva at volleybelle beauty queen Michele Gumabao para sa good cause.
Umalalay ang dalawang atleta sa mga medical frontliners na lumalaban sa Coronavirus pandemic. Nagbigay ang dalawa ng meals sa ilang mga ospital.
Mga 300 bowls ng spaghetti at 150 rice meal ang ipinamahagi nila sa 3 ospital sa Metro Manila.
Nagpasalamat naman si Gumabao kay Abueva at sa misis nito na si Sam. Tumulong kasi sa kanyang ang dalawa sa magprepara ng pagkain sa ‘Dampa ni The Beast’ restaurant.
“Thank you @dampanithebeastseafoods for always supporting @your200pesos,” post ni Michele sa Instagram nito. Kung saan makikita ang picture na kasama ni Gumabao at ng nobyo nilang si Aldo Panlilio.
Inilunsad ni Gumabao ang ‘Your 200 pesos program’ kung saan maaaring magpadala ng cash donations ang mga tao.
Subalit, nagpapadala rin ang programa ng meals sa mga ospitals. Aniya, sa ganoong paraan man lang mapasalamat nila ang mga medical frontliners.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT