October 31, 2024

Caloocan dinaig ang Muntinlupa sa PSBL opening… PEEK UP LEGENDS VS PILIPINAS DREAM TEAM PAKITANG-GILAS SA PERLAS

Pinag-ningning ng presensiya nina dating PBA superstars/ legends Alvin Patrimonio (16), Paul Alvarez, Johnny Abarrientos, Rodney Santos, Marlou Aquino, EJ Feihl atbp.ng Peek Up PBA Legends sa kanilang exhibition game kontra Pilipinas Dream Team sa opening ng Perlas ng Silangan Basketball League noong Linggo sa Araneta Coliseum. (DAN SULAY)

SULIT ang inihandog na PSBL treat sa dumagsang basketball crowd sa grandeng pagbubukas ng  Perlas ng Silangan Basketball League sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City kamakalawa.

Muling napanood ng basketball enthusiasts nang live ang ang mga dating idolo na naging alamat sa Philippine Basketball Association (PBA) tulad nina Alvin ‘The Captain’ Patrimonio, Paul  ‘Mr. Excitement’ Alvarez, Johnny Abarrientos,’Willie Miller, (comm) Rodney Santos at toreng sina Marlou Aquino at Edward Joseph Feihl at iba pang ex-pros ng koponang Pilipinas Dream Team (reinforced) na naglaro ng exhibition game  naging  dagdag- ningning sa league’s grand opening na dinaluhan ng mga sikat na personalidad sa sports, politics at entertainment.

Ang akala ay larong pasiklaban lang ang  masasaksihan pero seryoso ang laban ng tropang Patrimonio kontra American reinforced Dream Team na binubuo ng mga copycat celebrities na naging dikitan ang bakbakan mula simula hanggang final buzzer sa score na 70-all.

May tsansa sanang maipanalo ni Aquino ang  laro kung naibuslo niya ang foul shots at the buzzer kung kaya dahil ang laro ay isang exhibition ay wala nang overtime.

Sa buwenamanong basketball match ng PSBL 18-under, dinispatsa ng Yengskivel Caloocan ang mga Batang Muntinlupa , 71-57, upang itala ang kanilang buwenamanong panalo sa grassroot basketball development  PSBL na itìnatag ni Founder COO Christian Ensomo katuwang si Nato Agbayani at PSBL Commissioner Rodney Santos.

“I’m overwhelmed. It’s a one of a kind opening ceremony dito sa Araneta. Star lahat ang dumalo dito magmula sa performers, celebrities, public servants, teams, league officials and staffs, basketball players and of course ang mga fans na dumagsa dito, mga pakitang -gilas sa Perlas. Maraming salamat, Pilipinas!” buong kagalakang sambit ni Ensomo sa panayam.

Sinabi naman ni Agbayani na lalarga na ang mga bakbakan ng liga sa NCR at aarangkada na rin ang PSBL Davao sa Agosto 10.

Ang naturang advocacy event ay  co-presented ng Noble Life Philippines, Peek Up, WPS, IBP-Bagong Pilipinas with  Media partners PTV 4, Zoe Broadcasting Corporation, The New Channel, Blast TV, TAP Sports and  Partners Globaltronics and DOOH gayundin ang  Gold’s Gym, Katinko, Bridge, VoiceBox Training University at Lorae Institute. (DANNY SIMON)