
UTAS ang isang 27-anyos na call center agent matapos mahulog sa sinasakyang tricycle at nasagsaan ng isang dump truck sa Eastbank Road, Brgy. Sta Lucia, Pasig City, nitong Biyernes ng gabi, Enero 6.
Lasog ang katawan ng biktimang nakilalang si Rochelle Mae Belmonte, empleyado ng Wells Fargo.
Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:50 ng gabi, nang tinatahak ng tricycle ang nasabing lugar nang biglang mahulog si Belmonte na nakasakay sa likurang bahagi ng tricycle.
Samantala, nasa kustodiya na Pasig PNP Elias Danque, 52, habang tumakas ang driver ng truck na nakasagasa sa biktima.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN